Tayo na at Magsaya; Ipagmalaki ang Bansang Pilipinas
Pilipino ka, Pilipino ako, Pilipino tayong Lahat
Tayong mga Pilipino ang nakatira sa bansang ito.. Tayo na at palaguin ito, Ipagmalaki, Ipagbunying tayo ay lahing Pilipino. Paano natin ito magipagmamalaki? Simulan natin sa pagiisip kung anu ba ang kultura ng mga pilipino, kung anu ba ang mga sikat na pagkain dito, ano ba ang mga kaugaliang pilipino na dapat nating ipagmalaki.
Ang bansang Pilipinas simula't sapul napaka masagana. Marami itong mga dagat na talaga namang patok na patok sa mga turista; Pinupuntahan ito ng mga dayuhan na kung saan lahat sila ay nagsasaya at umuuwing masaya. Tulad na lamang ng Boracay beach resort na matatagpuan sa Visayas at ang natatanging nitong ganda.
Narito rin ang isa pang tourist spots ng Pilipinas, ang natatanging ganda ng Hundred Islands sa Alaminos, Pangasinan. At ilan lamang yan sa mga magagandang lugar sa Pilipinas na dapat mong ipagmalaki dahil ipinagkaloob sa atin ito ng diyos ang kayamanang ganda nito..
Nariyan din ang Puerto Princesa na matatagpuan sa Palawan. Kilala ito sa napakagandang Underground river, na kung iyong lilibutin ay talagang mamangha ka sa ganda ng ibat ibang rock formation ganun din ang mga matatagpuang hayop tulad ng libu - libong paniki.
Nariyan din naman ang Chocolate Hills na matatagpuan sa probinsya ng Bohol. At alam niyo ba na natatangi ang ganda nito dahil ang berdeng kulay nito ay napapalitan ng kulay brown tulad ng isang tsokolate tuwing mainit ang panahon at berde naman tuwing umuulan. Meron itong humigit kumulang na 1,776 na maliliit na burol at iyon ang nagbibigay sa lugar na ito upang maging isang tourist attraction.
Sumunod jan ang mga kulturang pinoy. Ang kulturang pilipino tulad ng pagmamano natin sa mas nakatatanda sa atin lalong lalo na sa ating mga lolo't lola. Minsan din ay sa ating mga magulang. Isa pa din jan ang kulturang ating nakasanayang gawin na ang mga pista ng mga santo tulad ng pista ng Nazareno. Patunay lamang ito na ang mga Pilipino ay sadyang magagalang at maka - diyos.
Hindi rin lingid sa kaalaman ng mga dayuhan na ang mga Pilipino ay magagaling pag dating sa mga lenguahe. Ang mga Pilipino ay madaling matuto ng iba't ibang mga salita. Isa jan ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal na mayroong alam na mahigit 22 iba't ibang banyagang wika mula sa iba't ibang bansa. At ang ilang wika na alam ni Jose Rizal ay ang mga: Latin, Spanish, Japanese, Chinese, German, French, Italian, English, Greek, Hebrew, Tagalog, Ilokano, Cebuano, Aleman, Arabe, Catalan, Portuges, Diponggo, Malayan, at iba pa. Tunay nga na ang mga Pilipino ay sadyang matatalino at madaling matuto..
Isa rin sa mga dahilan kung bakit ka dapat maging proud pinoy dahil tayong mga Pilipino ay sadyang napaka galang at magiliw sa pagtanggap ng mga bisita.. Pero aminin natin minsan naiinis tayo sa mga bisita natin, kasi kailangan mo pa mag ayos ayos ng bahay mo, Kailangan mo pang mag linis upang hindi masita ang iyong magulo na bahay..
Ang mga Pilipino taos - puso kung tumanggap ng bisita. Kadalasan ay ginagawa natin ito upang sa panahon ng pangangailangan ay meron kang kaibigan na alam mong maaring tulungan. Ginagawa rin natin ito upang magkaroon ng maraming kaibig
Kung mga dayuhan nga ay hanga sa ating bansa, Tayo pa kaya na mga Pilipino? Hindi naman ata pwedeng malalamangan tayo ng mga taga ibang bansa sa pagmamahal sa sarili nating bansa? Papayag ka ba syempre ako hindi.. Kaya tayo na ay ipagbunying tayo ay mga Pilipino. Ipagmalaki natin ang ating bansa.
Ngayon talaga namang napakaraming dahilan upang ika'y maging proud pinoy.. Pero para sa akin sapat na, na ako ay isang Pilipino, may dugong Pilipino at iyon ang dapat kong maipagmalaki.
-Michelle Ann Aguilar, mag aaral ng BHNHS - VII-STAR